Lunes, Pebrero 25, 2013

                    Ang pagsasapribado ng mga hospital ay isa sa pinaka mabisang upang tumaas ang kalidad ng serbisyo at ng teknolohiya. Ito na rin ang natatanging solusyon upang makasabay tayo sa ibang mga bansa sa larangan kalusugan. Ito ang magiging susi sa makabagong panahon ng panggagamot. Magsisimula ito ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa paglunas, Pagkakaroon  ng sapat na kagamitan at pasilidad para sa mga pasyente at pagbaba ng bilang ng mga namamatay at nagkakasakit.


                       Ang lahat din ng pagbabagong ito ay may kaakibat na problema at suliranin. Isa na rito ang mataas na bayad ng bawat pasyente. Tataas ang halaga ng serbisyo ng isang hospital kung magkakaroon ng pagsasapribado dahil malaki ang nilaan nilang pondo sa mga matataas na kalidad ng teknolohiya at magagaling na doctor. Di na makakaya pa ng mga kababayan nating na nakakaranas ng kahirapan na magpa-tinggin pa sa doctor dahil sa mahal at mataas na bayarin.


                     Maraming magagandang benepisyo ng pagsasapribado ng mga hospital. Mas mapapadali na ang paggagamot sa mga may sakit. Maraming teknolohiya at gamot na makakatulong sa pagpapadali ng paggaling ng isang pasyente. Mababawasan na rin ang gastusin ng ating gobyerno sa mga hospital. Mare-renovate na rin ang mga lumang hospitals. Magkakaloob rin ito ng maraming trabaho sa maraming nurse at doctor na walang trabaho.


                 Ilan lang ito sa mga maaring mangyari kapag naganap na ang pagsasapribado. Malamang ay magiging matagumpay ang programang ito kung magkakaroon tayo ng lider na gagampanan ang tungkulin ng walang pag-aalinlangan at takot.
                   
                                        



  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento